Dapat alamin sa online shopping with local sellers
Patuloy tayong hinahamon ng pandemya hindi lamang sa aspeto ng healthcare kundi pati na rin sa ating pang araw-araw na buhay. Kasama dito ang challenges sa ating mga kabuhayan – trabaho man o negosyo. Marami sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa ang kinailangang umuwi sa Pilipinas at marami din sa ating mga kababayan na nasa Pilipinas ang nawalan ng trabaho. Gayun pa man, kilala tayong mga Pilipino bilang mga resilient. Matatag tayong humaharap sa mga pagsubok at nakakagawa tayo ng opportunities sa gitna ng krisis.
Dahil sa pandemya, nagbago ang ating pamumuhay. Mas maingat tayo sa paglabas ng bahay at mas marami na tayong oras na ginugugol sa bahay kasama ng ating pamilya. Nagbago din pati ang ating pamimili mula sa pagpunta sa mga stores, ngayon ay online stores na ang ating pinapamilihan. Sanay na sanay na din tayong magpa-deliver ng mga essentials diretso sa ating mga bahay. Kasabay nito, naging creative ang karamihan sa ating mga kababayan pagdating sa kabuhayan. Maraming nagtayo ng sariling negosyo sa kani-kanilang mga bahay at karamihan ay mayroong online stores. Ang “new normal” na ito pagdating sa pagbebenta at pamimili ay nagbigay din ng trabaho sa ating mga kababayang riders.
Sa ating sitwasyon ngayon, paano nga ba tayo makakatulong sa isat-isa na makabangon lalo na sa atin mga local entrepreneurs? Ito ang ilan sa mga paraan para sa kahit maliit na paraan ay maiangat natin ang ating local business at ang mga nagtatrabaho para sa kanila.
Go Online and Buy Local
Unang paraan ay ang pagsuporta at pagbili ng mga local products. Para sa iyong mga essentials at pati na rin sa mga ibang purchases, hanapin ang local business na nagbebenta ng iyong kailangan at dito bumili. Paano sila hahanapin? Pwede kang mag-check sa Facebook para sa mga local online sellers na malapit sa iyong lugar. Pwede ka rin mag search sa Google ng iyong hinahanap na item kasama ang lugar kung nasaan ka gaya ng “cookie seller in Paranaque”. Pwede rin i-check ang mga food blogs at listings ng mga sellers at mga business na naging sikat sa mata ng publiko. Ang mga local sellers ay malimit na gumamit ng delivery business gaya ng Grab at Lalamove para ma-deliver ang inyong orders kung di mismo sila ang nagdedeliver ng goods nila.
Check Reviews and Provide Reviews
Importanteng ang pagtulong pero mahalaga din ang pagsiguro na sa legitimate na seller mapupunta ang iyong order. Siguruhing nai-check ang mga reviews at feedbacks ng mga naunang buyer. Ito ang magsasabi sa iyo kung anong klaseng seller ang iyong nakita at kung maayos ba ang produkyong ibinebenta.
Gayun din, tulungan ang mga legitimate local sellers na i-promote ang kanilang products kung ikaw ay satisfied sa iyong nabili. Mag-post ng review tungkol sa iyong nabili para makatulong sa seller at sa iba pang naghahanap din ng parehong produkto. Maaring mayroon kang mga kaibigan o kapamilya na interesado ding bumili at ang iyong feedback o recommendation ay makakatulong sa kanilang pagde-decide.
Practice Contactless Purchases
Para sa iyong protection at sa protection din ng seller o delivery rider, magbayad ng iyong online order through contactless means. Anu-ano ang mga ito? Pwedeng magbayad through (1) Fund Transfer (2) Debit Card (3) Credit Card (4) e-Wallet at iba pa depende sa kung anong payment options ang ino-offer ng seller. Karaniwan, ang mga online groceries and shops ay tumatanggap ng Debit o Credit Card payment. Para naman sa mga online sellers, ang karaniwang mode of payment na contacless ay Fund Transfer sa kanilang bank account.
Gaano man kaliit, malayo ang mararating ng ating pinagsama-samang suporta para sa ating mga local business at sa ating mga kababayang patuloy na naghahanap buhay sa gitna ng pandemya. Let’s shop and support local!
Follow Us
About PNB
Corporate Profile | Corporate Sustainability | ||
History | Awards and Accolades | ||
Mission and Vision | News | ||
Investor Relations | Careers | ||
Corporate Governance |
Trunkline
Tel. No.: (+632) 8526 3131Customer Care
Bank Hotline
Tel. No.: (+632) 8573-8888Email: customercare@pnb.com.ph
PNB Cards
Tel. No.: (+632) 8818 9818Email: pnbcreditcards@pnb.com.ph
Philippine National Bank (PNB) is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas
https://www.bsp.gov.ph.
https://www.bsp.gov.ph.
Privacy Statement |