Tips on Building an Emergency Fund

Ano ang emergency fund? Bakit nga ba ito mahalaga? Paano ito makatutulong sa iyo para sa iyong future needs? Narito ang aming mga tips para tulungan kang bumuo ng iyong emergency fund.
Ang emergency fund ay isang type ng fund na maaari mong gamitin para matugunan mo ang mga gastos sa mga hindi inaasahang mga pangyayari tulad ng pandemya, financial crisis, kawalan ng trabaho, mga medical expense, at mga kalamidad.
Lahat ng mga hindi mo inaasahang gastos ay maaaring mapunan ng emergency fund. Kaya ito ay nararapat lamang na ihanda ng mga taong umaasa sa iisang source of income, ng mga taong may medical conditions, self-employed, o nagsisimula pa lamang ng pamilya.
Inihahanda ka ng emergency fund sa anumang mga biglaang pangyayari at magbibigay ito sa iyo ng protection at security sa panahon ng financial crisis.
Upang tulungan ka sa pagbuo ng iyong emergency funds, maaari mong sundin ang mga sumusunod na tips:

I-manage ang iyong monthly income at expenses

Upang simulan ang iyong emergency fund, kailangan mo ng malinaw na kaalaman sa iyong income at expenses. Ihanda ang listahan ng iyong funds at alamin kung saan napupunta ang mga ito. Kasama sa inflows ang iyong suweldo at iba pang mga kinikita, samantalang ang payables naman ay tumutukoy sa iyong mga bayarin tulad ng electricity bills at credit card dues. Ang pag-track ng mga ito ay makatutulong upang malaman mo kung magkano ang maaari mong ilaan para sa iyong emergency fund.

Mag-set ng budget goal

Kapag alam mo na ang amount ng perang kaya mong ipunin, kailangan mo nang isunod ang pag-set ng iyong budget. Sa pagse-set ng budget, kailangan mong pagdesisyunan kung gaano katagal ang iyong pag-iipon at kung saan ito mapupunta. Mag-set ka rin ng schedule upang ma-track kung ano ang status ng iyong savings at hindi ma-compromise ang perang nakalaan para sa iyong pamilya. Kailangang may purpose ang emergency funds upang maging malinaw para sa iyo ang paggagamitan ng funds at kung gaano katagal mo itong bubuuin.

Magbukas ng hiwalay na savings account at i-schedule ang iyong fund transfer

Siguraduhing ang iyong budget para sa iyong araw-araw na gastusin ay nakahiwalay sa iyong emergency fund. Maaaring magbukas ng pangalawang account at i-schedule ang iyong fund transfer sa date na i-seset mo para siguraduhing magkahiwalay ang mga ito. Kung ikaw ay interesado, maaari kang mag-open ng PNB-PAL Mabuhay Miles Debit Mastercard bilang iyong pangalawang account para siguraduhing ang emergency funds mo ay secure. I-click lamang ang link na ito para malaman ang pinakamalapit na branch sa iyo para makapag-apply.

Magplanong mag-ipon na may halaga ng gastos for 3-6 months

Walang pinipiling oras ang mga emergencies, at minsan pa ay nangyayari ito ng sabay-sabay. Nararapat lamang na magkaroon ng ipon na kayang punan ang 3 to 6 months na halaga ng mga gastusin. Ito ang ideal amount na dapat ipunin upang siguradong ikaw ay magiging handa sa mga hindi mo inaasahang pangyayari. Ang ating pamilya at mga mahal sa buhay ay atin ring priority, kaya dapat din nating paghandaan ang anumang unforeseen expense na maaring maging concern ng ating pamilya. Ang pagbuo at pag-maintain ng emergency fund ay sadyang mahirap sa simula, ngunit tandaan na maaaring simulan ang isang bagay sa malilit na hakbang.

Ang pagbuo ng emergency fund ang magbibigay sa iyo ng long-term security at protection para sa iyong future needs, lalo na sa sitwasyong hinaharap ng lahat ngayon sa gitna ng isang health crisis. Ito ang magsisilbing tulong mo sa iyong sarili, katulad ng isang insurance policy na maaaring mag-cover ng iyong unforeseen expenses sa mga biglaang pangyayari.

Trunkline
Tel. No.: (+632) 8526 3131

Customer Care

Bank Hotline
Tel. No.: (+632) 8573-8888
Email: customercare@pnb.com.ph
PNB Cards
Tel. No.: (+632) 8818 9818
Email: pnbcreditcards@pnb.com.ph
Deposits are insured by PDIC up to P500,000 per depositor.
Philippine National Bank (PNB) is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas
https://www.bsp.gov.ph.
Privacy Statement