Sa Aming Mahal na Customer, Ang Phishing attack ay isa sa mga pinaka-karaniwang paraan para kayo ay manakawan ng personal information. Protektahan ninyo ang inyong sarili! Iminumungkahi namin na sundan ang mga sumusunod: 1. Kung nakatanggap kayo ng tawag na hinihingi ang inyong PNB Account Name, Account Numbers, ATM/Credit Card Numbers, PIN at iba pang financial o personal information, magalang na tumanggi o wag pahintulutan ang kanilang mungkahi at tumawag (o puntahan) agad ang inyong branch of account. Hindi kailanman hinihingi ang PNB ng ganitong impormasyon sa inyo sa pamamagitan ng telepono o email. 2. Kung makatanggap kayo ng email na nagsasabing may pahintulot ang opisyal ng PNB na humingi ng inyong pribado o personal information kagaya ng nasa taas o di kaya’y email na hinihiling na i-click ang isang link upang mapatunayan o ma-update ang inyong account, huwag pansinin ang nasabing email at i-forward ito agad sa customercare@pnb.com.ph. 3. Tandaan na ang lehitimong website ng PNB ay www.pnb.com.ph. Kung sakaling makatanggap kayo ng email mula sa ibang domain (@philippinenationalbank.com.ph, @pnb.ph, @pnb.com, etc.) na diumanong kumakatawan na Philippine National Bank, huwag pansinin at i-forward agad ang email sa customercare@pnb.com.ph. Para sa mga karagdagang tips/advisories, mangyaring tingnan ang aming Electronic Banking Consumer Security Awareness sa www.pnb.com.ph Maraming salamat po. ******** Dagdag na Kaalaman para Huwag Kayong Maloko sa PHISHING! Ang Phishing ay isang kriminal na proseso ng panloloko kung saan kinukuha nito ang mga sensitibong impormasyon gaya ng USERNAMES, USER IDs, PASSWORDS at CREDIT CARD DETAILS. Ginagaya nito ang itsura at laman ng mga mahahalagang website na madalas nating gamitin. Ito ay karaniwang isinasagawa sa E-MAIL O INSTANT MESSAGING at dine-derekta ang mga users na pumunta sa isang fake website na maaaring kamukha o kapareho ng lehitimong website. Mga Paraan Upang Makaiwas sa Phising: 1. Huwag i-click ang anumang link sa inyong e-mail na nagsasabing galing ang mensahe sa bangko. Ang mga banking institutions ay hindi kailanman man hihingi ng inyong online banking username at password. Ang mga links na ito ay maaaring mukhang lehitimo pero ito ay hindi totoong website ng bangko. 2. Ang website na naka-link sa e-mail ay maaaring hingin ang inyong username at password. HUWAG ITONG GAWIN hangga’t hindi ito mapatunayan ng inyong bangko. Tumawag agad sa aming customer service sa (632) 8573-8888. 3. Buksan lamang ang mga e-mails na galing sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. 4. Kung ang isang bagay ay mukhang kakaiba, TUMIGIL, at HUWAG MAG-PROCEED (maliban kung inyong ma-verify). Ang pinakamahusay na counter attack: Kung makatanggap ng ganitong uri ng Phishing e-mails, HUWAG PANSININ, BURAHIN, at I- REPORT sa amin. Kung mayroon kayong mga karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa: PNB Customer Service Hotline (632) 8573-8888. |
Philippine National Bank (PNB) is supervised by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). For more information and inquiries, you may contact the following: Tel No (632) 8708 77 01 • Email: consumeraffairs@bsp.gov.ph This email was sent by: Philippine National Bank PNB Financial Center, Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City |